Pagkatapos kong basahin ang isang nobela tungkol kay Nannerl, ang ate ni Wolfgang Mozart (noon ko lang nalaman na may ate pala si Mozart, hehe), na-touch ako sa naging buhay niya ( second voice: yeah, so?) Tapos nagkaroon siya ng lover namely Franz. Mahal na mahal nila ang isa’t isa pero hindi sila ikinasal dahil galit ang archbishop sa pamilya nila, nagkataon kasi na isang official ng archbishop si Franz, kaya, ayun. (second voice: ano bang pinagsasasabi ng babaeng `yun?)
Kaya ang nangyari, ikinasal si Nannerl sa isang lalaking hindi niya mahal. Pero the day before the wedding na kung saan papaalis na siya papunta sa St. Gilen kung saan siya ikakasal ay hinabol siya ni Franz sa carriage papunta doon at binigyan siya ng isang sulat. Sabi nito I will always love you. Someday, in God’s providence, we will be together once again.
Naiyak ako do`n! hehe. Tapos nag-pop sa isip ko itong plot na ito. Kung hindi sila nagkaroon ng happy-ending sa life na iyon, e`di why not gawan ko na sila ng story in this lifetime, katulad ng sinabi ni Franz sa sulat. Oh `di ba? So, ito na sila…Nannerl and Franz a thousand or so years later.
Hi nga pala sa mga Hyoids! Hahaha
Nannerl is a true-blooded feminist. Makakita lang siya ng isang pagkakataong minamaliit ng mga kalalakihan ang kakayahan ng mga babae ay ipinagsisigawan na niya dito ang gender equality. Same with the men who came into her life. Kung hindi nila kaya ang mga rules ng buhay niya then mas maganda ng magkahiwalay sila. No man can order her around! And most certainly, no man can dictate what she must or must not do.
Hanggang dumating ang isang trahedya ang nangyari sa kanya at kailangan niyang makasama at pakisamahan ang isang mayabang at chauvinist na nilalang sa katauhan ni Franz de’ Illonoiz. Pero hindi din naman niya pwede itong layuan dahil nga nasa gipit siyang kalagayan.
With their whole world and house in total chaos because of their fights, will their hearts also become an issue?
Chapter One
“Nannerl, ba’t ba yaw mong tanggapin ang pag-ibig ko? Guwapo naman ako, mayaman, matalino, at guwapo. Ako ang pinakamagandang biyayang matatangap ng kahit sinong babae dito sa mundo. Wala ka nang makikitang kasing galing ko kahit saang panig man ng universe.” Pagmo-monologue ni Anthony habang sinusundan si Nannerl sa kalagitnaan ng corridor ng building niya.
Lalong binilisan ni Nannerl ang paglalakad ng maramdamang nakaaabot na ito sa kanya. Hige, sundan mo lang ako ng sundan. Mapagod ka rin, pati `yang bibig mo.
Mula ng ipakilala ng isa sa mga kaibigan niya si Anthony sa isang birthday party apat na buwan na ang nakalilipas ay hindi na ito tumigil sa panliligaw sa kanya. At apat na buwan na din niya ito binabasted. Ewan ba niya kung sa`n kinukuha noon ang ganoong katinding fighting spirit at hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tantanan.
“Ah, alam ko na! Nagpapa-hard to get ka sa `kin `no? Ang alam ko kasi, iniisip ninyong mga babae na mas ite-treaseare namin kayo kung ganoong tactic gagawin ninyo. Nan, alam mo, kahit hindi ka na magpakita ng ganoong effect ay tatangapin pa rin kita ng buong-buo. Promis! Kahit na marami sa mga kabaro mo ang iiyak dahil do`n, okay lang.”
Tumigil na siya sa paglalakad at hinarap ito. Inabutan pa niyang kumukumpas ang mga kamay nito kasabay ng pagmo-monologue.
“Hoy, anak-araw! Anong palagay mo sa `kin? Patay na patay sa `yo para umarte ng gano`n? At pwede ba? Tigi-tigilan mo na ako at pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito.” Wala naman sa nature niyang magtaray, pero pagdating sa kahanginan ng lalaking ito ay hindi niya mapagilan ang gawin `yon.
Humalukipkip ito at nginitian siya ng matamis “Sagutin mo muna ako.”
Pinanlakihan niya ito ng mata “For the seventieth time, no! At kahit na tumigil sa isandaang centuries ang panliligaw mo, hindi pa din kita magugustuhan.”
“I’m hurt, Nannerl…well, not really, hehe. Date tayo?”
Kakagigil! “Excuse me. Magtatrabaho na ako.” Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito. Bahala na ang mokong na iyon kung ano gusto niyang gawin sa buhay.
Sa totoo lang ay papaya na siyang makapagdate dito dati. Nagback-out lang siya sa plano niya nang magsalita ito. Saksakan ng yabang!
Binilisan ni Nannerl ang paglalakad habang nakapikit at tinatakpan ang tenga “Ewan! Leave me…ooft!”
Dahil nga sa nakapikit siya, hindi namalayan ni Nannerl na may nakaharang pala sa dadaanan niya kaya nadapa siya. Ilang segundo din ang lumipas bago siya natauhan at tumayo.
Araaaaaaaayyyy! Bad idea, bad idea!
Napahawak siya sa isang bench doon at itinaas ng konti ang kaliwang paa. Dahil siguro sa pagkakadapa niya ay na-twist ang paa niya sa hindi magandang posisyon. Naka-high heels pa naman siya ng araw na iyon.
“Aray…malas ka talagang kumag ka…” naiiyak na sabi niya
“Miss, okay ka lang ba?” narinig niyang tanong ng isang lalaki sa likod niya. Base sa boses na iyon ay alam niyang hindi ang impaktong Anthony ang kausap niya. At kahit na ang lalaki pa iyon ay hindi na niya magagawa pang magsungit dahil pinapatay na siya ng paa niya.
“Ah…ssssss…hindi masyado. Medyo masakit ang paa ko…” hirap niyang sinabi. Tumingala siya para hindi tumulo ang luha niya
“Let me see.”
Naramdaman ni Nannerl na lumakad ito sa harap niya. He held a very domineering aura around him. At dahil doon ay yumuko siya para makita kung sino ito.
Right here, kneeling down infront of her, was the most handsome man she had laid eyes on. He had colored mocha skin matched with dark brown eyes. Mahahaba din ang pilik mata nito at matangos ang ilong. At kung kanyang tatantsahin ay nasa six feet ang built nito.
With that looks and that aura, wala na siyang nagawa kung hindi ang mapatunganga na lang dito.
Until he touched her left foot.
Napatili siya “Araaaaaaayyy! Huhuhu….. Huwag mong hawakaaaaaaaaaaaaan!” Tuluyan na siyang napaiyak sa sakit.
Naramdaman niyang nagpanic ang lalaki “Ah, miss, miss! Huminahon ka lang. I’m just going to take a look at your foot.”
“Idahan-dahan mo kase!”
“Umupo ka muna.”
Sumisinghot singhot siya habang dahan-dahan umuupo sa bench na pinag-alalayan niya kanina. Naglotus position ang lalaki sa harap niya at dahan-dahang inilagay ang paa niya sa binti nito.
Tiningnan niya ang heels niya at napapalatak. “Kung bakit kasi ang hilig niyong mga babaeng magsuot ng mga ganito e.”
“It’s fassion.” She cant help it. Mahilig kasi siya sa mga usong damit at gamit.
Tuminginn ito sa kanya “It’s disaster rated.”
“Fassion pa rin.”
“Women.” Ibinalik nito ang tingin sa paa niya “Tatanggalin ko muna itong ‘pasyon’ mo para matingnan nating mabuti ang kalagayan ng paa mo.”
“Bahala ka.”
Unti-unti nitong tinanggal ang pagkakakabit ng strap nito sa paa niya at pamayamaya ay tinanggal na nito ang sandals niya. Hindi niya siya nakaramdam ng kahit anong sakit sa ginawa nito dahil batid niyang iniingatan nitong magalaw ang paa niya.
“Malala ba? Kailangan ko ba ng foot transplant?”
“Oo.” Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng pantaloon at may tinawagang kung sino. “Hello, Renz? Huwag ka munang sumabat. Andito ako sa Keisha Agency, send some medical hep here immediately.” Ipinamulsa na nito ulit ang cellphone nito at patuloy na tinitigan ang paa niya.
“Kailangan ko na talagang mgapa-foot transplant? Joke ko lang naman `yon a!” Dahil sa narinig niyang sinabi nito sa cellphone ay alam niyang isang ospital ang tinawag nito.
“Sa lahat ng nasaktan ikaw ang pinakamaingay.” Pagsusungit nito
“Ano gusto mo? Humaghulgol ako dito?”
“Ewan. Basta manahimik ka na lang diyan.”
Gustuhin man niyang sagut-sagutin ang lalaking ito ay hindi naman niya magawa. Kaya nanahimik na lang siya.
“Masakit pa?” pamayamaya ay tanong nito
“Malamang. Ikaw ba naman kasi ang madapa habang suot-suot ito.”
“Next time kasi, mag rubber shoes ka na lang.” Pamaya maya ay may nakita silang isang lalaking papalapit sa kanila. Gwapo ito, matangkad at mukhang istrikto.
wow…
hahaha, thanks
tagal ko na pala hindi nag uupdate
xp
hi po ulit..kulit ko ba..ayehihihi
Next Chapter na po!!!!!