Love Library

Just another WordPress.com weblog

Gothic Love August 25, 2009

“My heart acknowledges no one but you.”

 

            Sanay na si August na nilalayuan at kinatatakutan ng mga tao. With someone who likes watching gross movies more than the normal ones and possesses a creepy aura, normal na para sa kanya ang mga ganoong klaseng reaksyon. Pero kumpara naman sa buhay ng iba, mas gusto na niya ang gano`n. Buhay na tahimik at walang sinuman ang nangingialam.

            But that all changed nang makilala niya si Nick Railan. Hindi lang nagmistulang reply ng World War II ang buhay niya, nawala din ang katahimikang, literally, dati-rati ay abot-kamay niya. Even her own heart seems to go all ‘talkative and active’.

            Ano bang nangyayari sa kanya? She is supposed to hate him for his intrusion, right? Right?!

 

 

 

 

 

 

Fascino Foglia Series

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Gothic love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Start of my quest sa pagsusulat nito: Lapit na pasukan, yeeey! Pero for sure graduation na hindi ko pa ito tapos…Nyahahaha! How’s it goin’ folks? May ala-Sunako-Kyohei ang story na ito kaya pagpasensyahan niyo na, haha. Miss ko na kasi sila weh. Pero iba naman ang plot ng story na isinulat ko kaysa sa Yamato Nadeshiko The Wallflower. Promis! Cross my heart and hope to…to…(unfinished)

I love you, Jun Pyoo! Hahaha

Middle time sa pagsusulat nito: Haha, sabi sa inyo e haha, September na hindi pa din ito nakakaraos sa Chapter One! Wahaha

Binabawi ko na ang huli kong sinabi noon, hindi na ako kay Jun Pyoo…dahil ako na si Mrs. Kim Jae Joong *pasasabugan ko ng granada ang komontra* Kyaaaa! Love you my ever dearest jejung oppa! haha

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter One

 

            Marahas na pinahid ni Nick ang pawis sa noo niya. Maganda ang panahon ngayon at nakapipigil hininga ang kagandahan ng paligid. Which is located at a center of a forest in Palawan.  Pero hindi ngayon ang oras para magsight-seeing. Kailangan niyang magmadali.

            Dahan-dahan niyang hinila ang sarili pataas habang kinakapa ng kaliwang paa ang lugar na pwede nitong pagtung- tungan. Mountain climbing is such tiring sport pero hindi niya itong kayang iwan. In a way, isa ito sa mga paraan niya para makapagrelax. At aminin man niya o hindi, napakasaya ng larong ito.

            Isang hatak na lang sa sarili pataas ay makakamit na niya ang tagumpay. Pero bago pa man niya magawa iyon ay isang kamay ang bumaba para abutin siya.

            Kumunot ang noo niya, “Kailan ka pa diyan?”

            Ngumiti ang lalaking nasa itaas niya. “Mga ilang dekada na. I lost count.”

            Inabot niya ang naghihintay pa ring kamay nito at hinila ang sarili pataas. Inihiga niya ang sarili sa lupa at tiningnan ito. He has a victorious smile on his tanned face and a half-empty water in his hands. Nakalotus position ito sa tabi niya.

            “Pa`no ba `yan, Nicky boy? A deal is a deal.” Sabi nito.

            Bumangon siya mula sa kinahihigaan at kinuha ang mountain bag na ilang hakbang lang doon. Kinuha niya ang tubig niya sa loob at ininom ang nilalaman niyon. Montik na siyang masamid ng biglang hamapsin ng kasama ang likod niya. “Dammit, Kei!”

            “Huwag ka ngang sour puss! Natalo lang kita at lahat sa mountain adventure natin, pinagsasalitaan mo na ako ng ganyan.”

            Nagpustahan kasi silang dalawa bago pumunta sa Palawan na kung sino ang maunang makatapos sa gagawing sport nila doon ay maaaring utusan ang talunan ng kahit ano. At kung hindi gagawin ng natalo ang anumang iuutos sa kanya ay  magsusuot ng rabbit costume sa isang buong taon at iyon lang ang pwede niyang suotin, mapaopisna man o mapaparty. Isinulat pa nila iyon sa kontrata at ginawang witness ang mga tao sa Coffee Gallery, na ang naging opisyal na meeting place nila, para doon. “Oo na, oo na. Ano na ang iuutos mo?”

            Opposite sides ang inakyat nila kasi makakaramdam ng pressure ang isa kung makita nilang nauunahan na siya ng kalaban. “Isa lang naman ang maihihiling ko mula sa`yo, Nick.” Seryosong sabi nito

“Ano nga iyon?”

            “Ilalagay ko sa`yo ang responsibilidad ng kaligtasan nang  nakababata kong kapatid. At least for a three months, dahil iyon ang bilang ng araw na mawawala ako temporarily sa bansa. At kailangan, pagbalik ko, nagbago na ang katauhan niya.”

 

            TAHIMIK lang na nanonood ng Art of the Devil 3 si August sa madilim at tahimik niyang silid. Nakalotus position siya sa sahig, dahil mas malapit doon ang tv, habang titig na titig sa screen. It was a fascinating Thai horror movie, at mayroon ding iyong gross parts like literally sucking out people’s brain or pulling out eyeballs of a breathing, not to mention shrieking, man. Kung may kasama man siguro siyang manuod ngayon ay baka lumayas na ito sa bahay niya o `di kaya ay nagtititili na. Unfortunately, she wasn’t like the others, sa katunayan nga ay gusto niyang makanuod ng mga ganoong eksena.

            Wala siyang sakit or anything at that, gusto lang talaga niyang nakakakita ng dugo at mga weird na bagay. In fact, nangongolekta pa nga siya ng mga ganoong klaseng bagay. Hindi niya alam kung siya naging ganoon pero hindi niya babaguhin ang sarili niya. She liked the way she is now so why bother? Kahit na nga ang naging resulta noon ay kinatatakutan siya ng mga tao.

            Iniipit niya ang ilang hibla ng kanyang mahaba at wavy na buhok na humarang sa kanyang mukha nang magsimulang lagyan ng babae sa palabas ng partible ang magkabilang mata ng matandang itinali nito sa silya. Inaabangan na niya ang susunod na mangyayari dito nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at kumalat doon ang liwanag dala ng araw. Kahit nakapikit ay alam niyang ang nakatatandang kapatid ang may gawa noon. Mula kasi ng mamatay ang mga magulang nila ay ito na lang ang nag-iisang nilalang sa mundo na hindi natatakot na lapitan siya o pumasok man sa kanyang kwarto.

            “Hi, sweet thing! Ano `yang ginagawa mo? Hmmm…Thai movie? Well, nice to know na     patayin mo na iyan, August! Nakakahindik ng laman iyang pinapanood mo. Patayin mo na sabi eh!” Sooo like her older brother. Katulad ng sangkatauhan ay ayaw nitong nakakanood ng mga ganoong eksena. Noong minsan na sumama itong manood sa kanya, na hindi naman niya itinatanong kung gusto, ay nagsuka ito sa banyo. Mahina ito pagdating sa mga gano`n. Doesn’t anybody?

            Sa halip na paytayin ay ipinause lang niya iyon at hinarap ang bagong dating “Kuya, isara mo nga iyang pinto.”

            “Oo na, oo na. Iba talaga pag bampira ang naging kapatid mo oo.” Pagkatapos isara ay umupo ito sa tabi niya at inakap siya. Napakalambing nito sa kanya at napakaprotective. At dumoble pa iyon ng mamatay ang kanilang mga magulang. At mula din ng araw na iyon ay ito na ang bumuhay sa kanilang dalawa. Paraan nito iyon para hindi niya maramdamang mag-isa siya. Nagsumikap ito ng husto sa mga negosyong iniwan sa kanila at hindi man lang siya hinayaan nitong tumulong sa kanya. And with his rare talent and great manipulating skills, isa na nga ngayong World-renowned businessman ang lalaki, kasama na din ang mga negosyo ipinasa sa kamay nito.

            Iniabot niya ang popcorn na nasa paanan niya at kinain iyon “Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nakaalis ka na para sa business transaction mo sa Japan bukas?”

            Tiningnan nito ang popcorn niya “Nakakakain ka pa sa pinapanood mo?”

Nagkibit balikat lang siya at umiling na lang ito “Kayang kaya na ng chopper nating liparin mula dito hanggang Japan in just a snap. Kaya huwag kang mag-alala.” Hinarap siya nito “At may kailangan pa tayong puntahan bago ako umalis.”

            Kumunot ang noo niya “Tayo?”

            Ngumiti ito “Yup! Kaya patayin mo na iyang pinapanood mo na `yan at magbihis ka na. Naghihintay na si Mang Paolo sa `baba.”

            Sinimangutan niya ito at itinuon uli ang atensyon sa screen ng tv. “Hindi ako sasama, kuya. Ikaw na lang.”

            Narinig niya itong pumalatak “Hindi pwede, August. Kailangan mong sumama dahil walang kuwenta `yon kung wala ka.”

            “Ayoko nga sabi, eh.” Kinuha na niya ang remote at pinindot ang ‘play’.

            Itinabing ng kuya niya ang kamay sa mata nito “Kung ayaw mong sumama, fine. Kailangan mo pang paandarin `yan para umalis na ako ng kuwarto.” Tumango lang siya. “Haay. Sayang naman pala ang mga nadikubre kong boutique shop sa Vigan. Puno ng mga bungo at mga samples ng mga lamang loob. Tapos may mga Horror DVDs pa at mga witchcraft books. Haay. Syang talaga. Well, aalis na ako, sis. See you in three months.”

            Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at kinuha ang tuwalya mula lalagyanan nito. “Kuya, intayin mo na lang ako sa labas. Libre mo `yung bibilin ko do`n ha?”

            Ngumiti ito sa kanya ng matamis “Sure.”

            Pagkasara ng pinto sa banyo ng kanyang kuwarto ay narinig niya itong magsalita, “August! Patayin mo muna ito.”

 

            SA KABUUAN ng biyahe ay walang ginawa si August kung hindi ang matulog. Kabaligtaran ng kuya niya ay wala siyang hilig pumunta sa iba’t ibang lugar o kahit ang bumiyahe. At kahit na maisama pa siya ng kuya niya ay idinadaan na lang niya sa tulog ang paglalakbay nila sa kalsada.

            Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at nakitang yinuyugyog siya ng isang magandang babae sa tabi niya. Ipinakilala siya ni Kei sa kanya bago umalis. Sekreterya nito ang huli sa isa sa mga negosyo nila at sasama sa lalaki sa Japan para i-assisst ito.

            Dahil nakaeye-liner ay hindi na masyadong kinuskos ni August ang mata niya.

 

3 Responses to “Gothic Love”

  1. shin Says:

    ang cute

  2. Clay Says:

    Helo po..sana na po yung chapter 2?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.